Buong tapang na sinagot ng Init sa Magdamag star na si Yam Concepcion ang paalala ng ilang netizens na mag-ingat siya kay Gerald Anderson.

Nag-ugat ito matapos lumabas ang trailer ng kanilang upcoming kapamilya teleseryeng Init sa Magdamag.

Aniya, natutuwa at natatawa umano siya matapos niyang mabasa ang mga komento ng ilang netizens tungkol sa kanyang bagong ka-loveteam.

"Nakakatawa kasi sabi ng mga netizens, O' Yam, mag-ingat ka kay Gerald, ah!’ Iyon ‘yung mga nababasa ko"

Pinagtanggol naman niya ang actor at sinabi nitong napakaprofessional ni Gerald.

"Pag ka-trabaho mo si Gerald, he’s very professional at saka very gentleman, di niya pinaramdam sa akin na may mali siya."

"Di pa kami ganoon ka-close. Nandun pa ‘yung ilangan. Kinailangan naming magkaroon ng 30 minutes with each other to get to know each other. May ganun kami, kasi nakita nila na naiilang kami sa isa’t isa” :Dagdag pa ng actress

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post