Viral ngayon sa social media ang video kung saan hinamon ni Robin Padilla ang mga artista at mga senador na vocal tungkol sa nangyari sa West Philippine Sea na samahan siya papunta sa nasabing Isla.

“Tutal napakadaming matapang. Naririnig mo. Eto may mga politiko. Si Senator Kiko Pangilinan, ex-Justice (Antonio) Carpio, Jim Paredes, Senator (Risa) Hontiveros, si idol, si 10,000 hours Senator (Ping) Lacson. May mga iba artista pa at singers. Eh, kung talaga pong matapang kayo, eh, sumama kayo sa akin. Tayo ay maging militia. Tapatan natin yung militia nung mga Chinese. Pumunta tayo doon, lumayag tayo, mangisda tayo doon. Tumambay din tayo roon kasi atin eto,” sabi ni Robin sa kanyang facebook video nito lamang April 22 2021.

“Wala pong mangyayari kung dito tayo sa kalagitnaan ng pandemya, dito tayo lahat nagbabangayan sa Pilipinas, eh nandoon ang problema,” dagdag pa ng actor

"Ang kailangan natin militia doon. Ang kailangan natin, tumambay din tayo doon,” sabi pa nito

“Ngayon nyo sabihin sa akin yan, kaya nyong magsakripisyo para sa teritoryo natin.”

Ayon pa kay Robin, seryoso raw ang hamon niyang ito.

"Yung aking pong alok sa inyo ay seryoso. Ako po, pina-public ko eto para hindi tayo nagbobolahan lang,” sabi ng actor

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post