Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Robin Padilla matapos habulin ang ABSCBN news team ng mga barko ng China nang papunta sila sa West Philippine Sea.
Hindi man nito diretsahang pinangalanan ni Robin ang ABSCBN news peru halatang pinaparinggan niya ito.
Matatandaan na naglabas na ng pahayag si Chiara Zambrano tungkol sa pag-aacomodate umano nila sa AFP sa pagpunta nila sa nasabing lugar.
Sabi ni Robin:
"Wag po tayo maghanap ng away...
Hindi na po ito local dirty politics na puro palitan lang ng mga salita.
Wag tayong mag apply na maging biktima dito sa stand off na ito.
We should not be doing that my dearest countrymen. Kung hindi nyo mapigil ang sarili niyo and you want to do something brave never be a victim better wish for martyrdom. Papasok kayo ron tapos magtatakbo din pala kayo na parang bata anong klaseng halimbawa ng ating pagkapilipino sa mga Tsino.
Handa naman kayong samahan ng AFP sa inyong coverage para Maiwasan ang mga ganitong ganap.
Military engagement is the last thing we need.
Kung nakasulat sa kapalaran ng Pilipinas na mapalaban dyan wala tayo magagawa pero wag natin dapat madaliin.
Wag din natin ilagay sa Alanganin ang US of America. Ang sitwasyon sa South China Sea is beyond our political and military capacity.
Maaaring maihambing nga ito ng kasaysayan sa missile crisis sa Cuba nong panahon ni JFK magkaiba Lang ang sitwasyon at ang mga main players ay ang 2 super power sa ngayon."