Pormal na ngang nagpaalam ang celebrity contender na si Jhong Hilario sa Your Face Sounds Familiar.

Sa April 17 episode nang nasabing show, ay inunsyo ni Jhong ang kanyang naging desisyon.

"Nakakalungkot na sabihin ito sa inyong lahat, kailangan ko munang magpaalam sa Your Face Sounds Familiar. Meron kasing bata na alam mo, kapag may naramdaman ang bata, hindi siya nakakapagsalita, e." 

"Pinag-isipan ko ito, hindi ako nakatulog pero itong desisyon po na ito, talagang inisip ko talaga yung anak ko eh. Gusto kong malaman niya paglaki niya, kaya ko ginawa yun dahil mahal ko siya."

Nagpapasalamat din si Jhong sa pamunuan ng ABSCBN.

"Gusto kong pasalamatan ang ABS-CBN management, ang YFSF family dahil sa pag-iintindi nila na nagpaalam ako sa kanila and sinabi nila na yes, family first. Kaya maraming salamat po, Kapamilya. Maraming maraming salamat po."

Panoorin dito ang kabuuang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post