Open letter na kung saan sinisisi si Angel Locsin sa nangyari sa community pantry viral

 

Viral ngayon sa social media ang open letter ng isang netizen na si Mj Quiambao Reyes para kay Angel Locsin kaugnay sa nangyaring gulo sa inorganized na community pantry ng actress.

Basahin dito ang buong letter ni Mj kay Angel.

"I will not question your intention (as that is between you & your god/s). Alam ko matulungin ka dahil maraming beses na tayong nagkasabay sa relief operations for the past 10 years. What I only want to point out is your lack of foresight.

Alam mo naman sigurong artista ka. Pumunta ka lang sa palengke, kahit wala ka'ng dalang ayuda, alam mo'ng dudumugin ka. Eh ako nga na hindi naman artista (mukha lang!) ay dinudumog, ikaw pa kaya? Charot!

Alam mo rin na marami ang may gusto sa free stores at community pantries. Oo na, yung iba dahil gutom at nangangailangan, pero marami rin dyan pumila dahil libre na makakakita pa sila ng artista. Nagsama-sama na. 

Worse, na-promote pa ng husto sa mainstream at social media ang pagbubukas mo ng pantry on your birthday. Natural, dadagsain ka. Sana nilabas mo na lang ito sa media pag tapos na. O hindi ba pwede sa inyo ang tumulong ng tahimik sa kapwa na walang media at propaganda tulad ng ginagawa ng karamihan sa amin?

Nakakalungkot na may namatay na matanda habang nakapila para sa iyong ayuda. Di ba dapat hindi na sila ini-enganyong lumabas pa at pumila? Di ba pwedeng inihahatid na lang ninyo ito sa kanila o ng mga brgy officials tulad ng ginagawa namin at ng marami pang iba?

Mas nakakalungkot na posibleng maging super spreader event ang iyong kaarawan. Nakakalungkot na sa mga susunod na araw ay dadami na naman ang ma-iinfect at mamatay dahil sa COVID. Tapos isisisi nyo sa gutom ng tao. Isisi nyo na naman ng todo sa gobyerno. Papa-hashtag na naman kayo ng kung anu-ano. Gagalitin nyo na naman ang mga tao laban sa Pangulo. Haaaaaaay...

Sana lang lahat ng pumila at nakipagbalyahan ngayon dyan sa pa-pantry ay nailista nyo. Paki-trace at monitor po kung sino sa kanila ng tatamaan ng COVID. Padalhan nyo na sana agad sila ng care kit. Have them tested – at sana sagutin ang pa-testing, pa-quarantine, at pa-hospital sa mga tatamaan. 

Sana rin mag bigay-aral sa inyo ang nangyayari ngayon. Sana natauhan kayo at naisip man lang ito:

Kung ang isang community pantry nga ay hindi nyo naisa-ayos at nahirapan kayong patakbuhin ng isang araw, paano pa kaya pag buong bansa na? 

Sincerely,

MJ

Anong masasabi niyo dito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form