Sa kanyang Instragram account, nagbigay ng komento si Lolit Solis sa relasyon nina Julia at Gerald Anderson.

Sabi ni Lolit:

"Bakit parang sobra tumanda mukha ni Gerald Anderson, Salve ? O baka naman dahil talagang malaki ang agwat ng edad nila ni Julia Barretto. Kasi dati ay very yummy at parang preppy looking si Gerald, pero now, mukhang nagkaedad."

"In fairness, gumanda naman lalo si Julia, kaya parang ang bata niya tignan sa mga photos nila na magkasama ni Gerald. Pag titignan mo ang body language nila, mukha naman maligaya sila at swak na swak ang combination."

"Baka nga ito na ang talagang partner para kay Gerald Anderson. Baka nga si Julia Barretto na ang babae para sa kanya. Usually ganuon naman ang tadhana, bigla hindi mo inaasahan, nasa tabi mo lang pala iyon para sa iyo. "

"Sana naman, after ng medyo maingay na intriga na dinaanan nila Gerald at Jullia, sana sila na ngang dalawa ang maging magkasama sa ending. Para worth it ang inilaban nila para sa kanilang relasyon, para kahit na bumpy road ang pinagdaanan, ending nila happy."

" Saka start looking yummy again Gerald, huwag mo masyado dibdibin ang problema, dapat lagi kang yummy looking, para pag nag aaway mga babae dahil sa iyo, may dahilan bakit sila nag away. Kasi nga, pogi at papable ka, dapat yummy always, hah hah , joke joke"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post