Matapos inanunsyo ni James Reid na hindi na siya tutuloy sa Soulmate project nila ni Nancy McDonie ng Momoland ay maraming netizens ang nagtatanong kung matutuloy pa ang nasabing proyekto.

Sa twitter post ng HOLA PH, ay sinasabi nitong tuloy na ang nasabing project at ang papalit kay James ay ang actor na si Joshua Garcia.

Ayon pa sa HOLA, ngayong June 2021 nakatakda umanong bumalik dito sa Pilipinas si Nancy.

“Ilang beses ng naudlot ang taping ng serye dahil sa pandemya hanggang sa umatras na ang sana’y makakatambal ni Nancy na si James Reid at ngayon ay pinalitan na siya ni Joshua Garcia.”

“Anim na buwan umano mananatili si Nancy sa bansa para sa shooting ng bagong serye ng ABS-CBN na The Soulmate Project katambal si Joshua Garcia.”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post