Sa panibagong vlog ng sikat na youtuber na si Ivana Alawi ay pinaprank niya ang kanyang ina na bumili siya ng isang mamahaling sasakyan na Lamborghini na nagkakahalaga ng 11.5 milyon.

Ayon sa nanay ni Ivana hindi raw ito ang tamang panahon para bumili ng ganoon kamahal na sasakyan.

“Sana naman (saka na lang). Pandemic ngayon, ang daming nangangailangan ng tulong. Takaw mata ‘yan sa tao, Diyos ko, madedelikado ka pa n’yan. Alam mo, ang daming taong matutulungan oh (habang tinitingnan ang sasakyan).”

Gusto pa ng ina ni Ivana na isauli ang nasabing mamahaling sasakyan. “Puwede mong isauli pa ‘yan, tawagan n’yo muna,” 

Ayon pa sa ina ni Ivana hindi raw dapat mag-iinvest ang vlogger sa mga material na bagay.

“Sa pag-explore ng mga lugar-lugar, sa pagtulong sa mga tao.  ‘Wag naman ganyan, masyadong flashy, masyadong show-off.  Hindi advisable ang mga Lamborghini, ghini, gini na ‘yan. Sa trapik na ‘yan mada-drive mo yan?”

Matapos ang kanilang mahabang diskusyon ay sinabi na ng magkapatid na "Its a Prank".

Ayon kay Ivana, nakapark lang daw ang nasabing sasakyan at sa kapitbahay nila iyon.

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post