Naniniwala ang actress na si Ellen Adarna na mainam raw ang maglive-in muna bago ikasal dahil mas makikilala mo raw ang tunay na ugali ng iyong partner dito.

Ayon pa kay Ellen 18, years old palang umano siya nagsimula sa ganitomg set-up.

"And that time, when I was 18, nung boyfriend ko that time, my dad suggested na, 'Mag-live-in kayo. Get to know your partner.' Yun talaga ang fear niya—magpakasal kami at a very young age. He wanted us to get to know our partner, get to know what we want and what we don't want," sabi ni Ellen

"I'm sanay na nag-live-in since I was 18. Lahat kasi nag-live-in na kami," Dagdag pa nito 

Ayon pa kay Ellen, kung hindi raw siya makipaglive-in paano raw niya makikilala ang kanyang partner: "Oh my god, how will I get to know him? How will I get to know the truth?" 

Si Ellen ay engaged na ngayon sa kanyang boyfriend na si Derek Ramsay at ayon sa sabi -sabi nakatakda na silang ikasal ngayong taon.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post