Balik kapuso na ulit ang beteranong actor na si Christopher de Leon matapos ang matagumpay niyang teleserye sa Kapamilya Network na "Love Thy Woman".

Simula April 19 hanggang April 23, 2021, mapapanood si Christopher sa mini-series na I Can See You: The Lookout, ang drama anthology sa GMA Telebabad. 

Sa presscon ng The Lookout nito lamang April 16 ay sinabi niyang may kasunod narin siyang isang project sa kapuso network.

"I'm grateful ginawa ko ito with GMA. And I'm doing another one after this, and then merong gagawing... isa na namang out-of-the box material for GMA.

"So, wow. GMA is doing very well.

"And I thank God for blessings coming our way."

Si Christopher de León ay isang Filipino film actor at politician. Si De Leon ay nagapir sa  gag show na Goin' Bananas at nagapir rin sa halos 120 films mula noong early 1970s.

Source: Pep.ph

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post