Muling naglabas ng kanyang matinding banat ang actor na si Carlo Aquino kaugnay sa basher na nagbabanta buhay sa kanyang anak.

Sa kanyang Instragram, nirepost niya ang statement ng Star Magic tungkol sa pambabash ng mga anak ng ilang artista.

Sabi ni Carlo: "Bakit pati mga sanggol o batang walang kalaban laban? Wala ba kayong mga anak? Pamangkin? Huwang naman sana ganun kawalang puso." 

"Ingatan natin ang mundong kalalakihan ng mga batang ito. Huwag nating hayaang maging marahas. Hindi lang para sa anak ng artista, pero para sa lahat."


Photo Credits: jose_liwanag on Instagram

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post