Pormal nang nagsampa ng kasong qualified theft si Anthony Taberna laban sa kanya dating pinagkakatiwalaan na finance chief at at sa manager ng isang branch ng bangko na umano’y tumangay sa pera niyang nagkakahalaga ng mahigit 15 milyong piso. 

Ayon sa report ng Inquirer, nagpunta si Taberna sa Quezon City Prosecutor’s Office  nitong Miyerkules, Abril 14, upang pormal na magsampa ng kaso laban kina Ernie Patrick Aquino na dating Finance at Administrative Head ng A. Taberna Foods. 

Kabilang din sa kanyang sinampahan ng kaso anga bank branch manager ng bangko na pinagbuksan ng account si Gualberto Baluyot II matapos ilipat ang 15.38 milyong piso sa personal na bank account ni Ernie Patrick. 

“In the last week of November 2020, several checks issued by A. Taberna Foods to suppliers were dishonored despite the supposed availability of funds. Upon inquiry with (the bank), the company discovered that respondent Aquino was able to open seven other bank accounts under the name of Taberna Foods,” sabi ni Anthony sa inihain niyang reklamo 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post