Emosyonal na humihingi ng tawad ang actress na si Angel Locsin matapos pumanaw ang isang senior citizen na pumila sa isinagawa niyang community pantry sa Quezon City. 

Nangangako rin ang actress na tulungan ang ang pamilya ng isang senior citizen.

Basahin dito ang kanyang buong post:

"sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila.

Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.

Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.

Sa ngayon po, tinatapos na lang po namin na mabigyan ang mga nakapila. Ang iba po sa kanila ay xerox na ang order sheet nila pero nauunawaan po namin na lahat po ay hirap ngayon at tama lang po na mabigyan sila. 

Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga.

Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa iatf rules.

Pagkatapos po, idodonate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community pantries at barangay."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post