Nagsalita na rin sa wakas ang panganay na anak ng isang senior citizen na pumanaw sa community pantry ni Angel Locsin.

Wala raw sinisisi ang pamilya nang nasabing senior citizen at ayon sa panganay nitong anak na si Jennifer Fosana hindi raw nagpa-alam ang kanyang ama na pumila sa nasabing community pantry at bibili lang raw sana ito ng balut.

Bibili lang siya ng balut, hindi na nakabalik. 'Yun pala pumila doon tapos nalaman namin mga 9:30, inatake daw, ay nahimatay daw maya-maya... Nabalitaan namin inatake daw, pat*y na daw,"  sabi ni Fosana ayon sa report ng ABSCBN news  

Ayon sa reports, dinala pa raw sa ospital ang nasabing lolo peru Dead on Arrival na ito.

Kinumpirma din ni Fosana na pinuntahan ni Angel ang ospital kung saan dinala ang nasabing lolo.

"Nandoon po si Angel Locsin pinuntahan siya sinagot na raw lahat hindi sila pinabayaan doon"sabi ni Fosana

Samantala humihingi narin mg tawad si Angel sa pamilya ni lolo at inako nito ang kasalanan.

"Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila." sabi ni Angel sa kanyang social media post

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post