Humihingi ng paumanhin ngayon ang ABSCBN News reporter na si Alvin Elchico kaugnay sa viral niyang interview kay Angel Locsin tungkol sa nangyari sa community pantry.

Tinanong kasi ni Alvin si Si Angel na "meron ka pa bang susunod na ioorganisang community pantry o nadala ka na?" na siyang dahilan para siya ay magtrending at ibash ng ilang netizens.

Ayon sa ilang netizens, napaka-insensitive raw ang tanong na ito.


Matapos siyang makatanggap ng negatibong reaksyon ay nagsorry rin si Alvin sa kanyang programa sa Teleradyo kasama si Doris Bigornia.

Hindi raw niya intensyon na saktan ang feelings ni Angel at sa mga fans nito.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post