Nagbigay na ng kanyang reaction si Bossing Vic Sotto sa  relasyon nina Kapamilya actor Arjo Atayde at Phenomenal star Maine Mendoza.

Matagal ng katrabaho ni Bossing si Maine sa Eat Bulaga at sa sit-com na Daddy's Gurl sa kapuso network.

Nitong mga nakaraang araw ay naguest si Arjo sa Daddy's Gurl para sa birthday special ng kanyang girlfriend.

Sa isang article ng GMA Entertainment, ay nakita ni Bossing ang treatment ni Arjo kay Maine. Ayon kay Vic nirerespeto umano niya ang relasyon ng dalawa.

"Yung personal na buhay niya, dapat respetuhin natin. E, talagang sila ay nagmamahalan. Kung mahal niya si Arjo, out na tayo run, buhay niya ‘yun, e. Nakikita ko namang masaya siya at naalagaan naman siya nang mabuti, okey lang,” sabi ni Bossing


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post