Nagbabanta na magresign ang beteranong broadcast journalist na si Raffy Tulfo matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanyang driver.

Ayon sa report ng Abante, sinabi ni Tulfo sa March 26 episode ng 'Wanted Sa Radyo' na nakaranas ng Covid-19 symptoms ang kanyang driver.

Matapos nito ay agad na pumunta sina Tulfo kasama ang kanyang driver sa St. Lukes Medical Center, Quezon City para magpatest.

Sa kasamaang palad ay nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang driver samantalang si Tulfo ay negative.

Matapos makuha ang resulta ay agad na nagpaquarantine sina Tulfo at kanyang driver bilang pagsunod sa safety protocol.

Agad rin na naglabas ng saloobin si Tulfo sa management ng TV5 lalo na sa human resource department dahil umano sa hindi pagkaroon ng safety precautions para masiguradong ligtas ang kanilang empleyado.

Nagbabanta rin si Tulfo na magresign kung hindi matutupad ang kanyang kondisyon na magkaroon ng antigen test every 2 weeks sa lahat ng empleyado sa nasabing network.

"Kapag hindi po natupad ‘yung kondisyon kong ‘yan na walang every two weeks na antigen test sa mga nakakahalubilo ko diyan sa news, hindi po ako papasok, I will resign and I’m serious about this,":sabi ni Tulfo

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post