Di mapigilang magbitaw ng mga maaanghang na salita ang Idol ng Bayan na si Raffy Tulfo laban kay DOH Secretary Duque kaugnay sa mga bakuna para sa COVID-19. 

"Hoy Duque! tama na ang satsat-satsat mo, pa-good shot, good shot ka pa, gusto pa atang tumakbo ng pagka-senador nito e, unahin mo 'yung bakuna!" :sabi ni Tulfo

Nagpag-alam din ni Idol na hindi umano pinayagan ni Duque ang mga pribadong kumpanya na kukuha ng mga bakuna dahil kailangan pa raw dumaan sa DOH kaya  nanawagan si Tulfo kay Duque na payagan ang mga pribadong kumpanya na kukuha ng kani-kanilang bakuna para sa kanilang mga empleyado.

"Bakit ayaw niyo, bakit kinakailangan pang dumaan sa DOH? Para ano, para sa tong-pats?":saad ni Tulfo

 "Payagan na ang mga private sector na mag-angkat ng bakuna para mabakunahan na ang mga empleyado nila, para nang sa gayon, itong mga empleyado, makapagtrabaho na hindi 'yung maya't maya magla-lockdown tayo": dagdag pa nito

Sabi pa ni Idol, nakakahiya raaw kasi na may mga bansa na maituturing na mas mahirap pa sa Pilipinas ay mabilis nang nakakakuha ng bakuna at naipamamahagi na sa kanilang mga mamamayan.

 "Hindi ka ba niyan nahihiya Duque, puro donation lang tayo? Palagi na lang tayong umaasa sa China?" 

Matapos nito ay humihingi din naman ng tawad si Idol kay Duque sa kanyang mga nasabi.

Panoorin dito ang kabuuang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post