Di mapigilang pagsabihan ng Ang Probinsyano star na si Richard Guttierrez ang kanyang pamangkin na si Lorin Bektas anak ni Ruffa Guttierez dahil sa suot nito sa kanyang latest post sa Instagram.

Sa post ni Lorin, makikitang nakasuot ito ng swimming attire at naka shorts. Gayunpaman, nakabukas ang kanyang shorts kaya nakikita ang bahagi ng kanyang pambabang swimming attire. 

Kaya naman ay pinagsabihan ito ni Richard dahil ayaw raw nitong pagpiyestahan ng mga kalalakihan.

"Cover yourself. I don’t want any of these guys checking you out.": sabi ni Richard 

Maging ang kanyang ina na si Ruffa ay nagreact din at sinabi nitong:"Nag-shorts ka pa!" 

Photo Credits:loringabriella


Marami namang mga netizens ang bumilib sa pagiging protective ni Richard sa kanyang pamangkin.

Si Lorin ay anak nina Ruffa Guttierrez at dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post