Sinupalpal ng komedyanteng si Pokwang ang netizen na namimintas sa kanyang itsura matapos siyang maghayag ng kanyang political views.

Nito lamang March 22, ay nagtweet ang komedyante tungkol sa pagpapatupad ng GCQ sa NCR na tinatawag nilang NCR Region Plus Bubble.

Pabirong tweet ni Pokwang: “NCR- plus with ginkgo biloba Shirota strain!!! Plus glutathione [clapping hands emojis]” 


Matapos nito ay may sumagot ang isang netizen kay Pokwang.

"Mag law abiding citizen ka na lang!!! Para makatulong ka sa sambayanan," sabi ng Netizen

Sagot ni Pokwang: “so yung tax na binabayad ko hindi ako nakakatulong? G*GO!!!!”

Dagdag pa ng komedyante:“magkaiba po ang masunurin sa uto utong T*NGA!!!!!!”

Sinundan pa ito ng isang netizen na nagsasabing bumaba na ang tingin niya kay Pokwang dahil nagiging political analyst na raw ito.

Sinagot naman ito ni Pokwang at sinabihan ang netizen na may karapatan raw siyang maglabas ng saloobin lalo't apektado ang kanyang pamilya.

Sinagot rin ni Pokwang ang nanlalait sa kanyang itsura at sinabi nitong dahil sa kanyang itsura gumanda ang buhay ng kanyang pamilya.

 “Halata mo mga B*B0 kapag ang atake na sa opinyon mo ay personal nandyan ang tawagin kang pangit, chaka, etc.

"Excuse me ang kapangitan ko ang nagpaganda sa buhay ng pamilya ko at mga nagtatrabaho sa ating negosyo na binubuhay ang pamilya nila na natutulungan ng kapangitan ko e ikaw?”




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post