Di mapigilang supalpalin ni Pokwang si Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa sinabi nito ukol sa Pandemic.

Sinabi kasi ni Roque na halos isang taon narin daw nagbabakasyon ang mga Pilipino dahil sa C0VID-19 pandemic.

"Halos isang taon na tayong nagbakasyon dahil sa COVID-19. Siguro naman po ngayong nandito na ang bakuna, hayaan naman nating maka-recover tayo for lost time": pahayag ni Roque

Kaya nagtungo ang komedyante sa kanyang twitter para maglabas ng kanyang saloobin hinggil sa pahayag ni Roque.

"hindi po bakasyon ang tawag don sir! be sensitive naman po! bakasyon ba matatawag yung umiiyak ka gabi2 kasi wala kana trabaho?"

"pano na pamilya at pangkabuhayan nyo? bakasyon poba yung need mo isara negosyo mo kasi may pandemia? kung ganyan ang bakasyo edi ayoko na mag bakasyon":sabi ni Pokwang sa kanyang post

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post