Nitong Sabado, February 27 ay naguest ang sikat na Rapper na si Abra sa segment ng Its Showtime na Hide and Sing. 

Matapos ireveal na siya ang celebrity singer ay sinabi niya na: "“Magandang magandang tanghali madlang people. Maraming salamat sa pagtanggap nyo dito at pasensya na sa kung ano man ang nangyari sa nakaraan.”  

Peru hindi alam ng ibang mga televiewers kung bakit nagsorry ang nasabing rapper. 

Sa mga hindi nakaka-alam, way back 2016 sa grand finals ng "Christmas Rapper" segment ng nasabing noontime show kung saan isang judge si Abra ay nabanggit niya sa imprumpto rap ang salitang "Pak-yu" na  sinabayan pa ng gesture ng kanyang kamay.

 Kaya agad na nagsorry si Vice at sinabi nitong: "“Ang management, alam kong kinakabahan na rin. Itigil na natin ito at ‘wag uulitin.”

Nagsorry rin si Abra sa kanyang nasabi: "Pasensya na po. Kasi freestyle at mabilis e,”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post