Sinagot na ng actress na si Maja Salvador ang bali-balitang lilipat siya sa kapuso network.

Nag-ugat ang isyung ito noong nag-end ang Sunday Noontime Live ng TV5 at  nang magkaroon sila ng collaboration ng Kapuso actress na si Heart Evangelista para sa Youtube channel nito.

Ayon kay Maja, isa raw siya ngayong freelancer at hindi siya nakatali sa iisang network.

 “Alam mo, nakakatawa, kasi nga ang daming haka-haka. Ang daming… may mga nabasa pa ako na, ‘Uy, magka-Kamuning na siya,’ mga ganyan.”

“’Tapos ako, sakto naman, kahit itanong niyo pa kay Heart. Ang tagal ko na siyang sinabihan na mag-collab kami.

“’Tapos sakto na lalabas naman anytime yung vlog namin so di ko sinadya.

“Kumbaga, sumabay lang talaga siya sa mga haka-haka kaya nakakatawa.

“Kaya sabi ko, ‘Naku, kapag lumabas ito, baka akalain talaga nila.’ May mga ganyan.”

Peru nang tanungin si Maja kung may offer ba sa kanyang ang GMA 7.

Sinagot ni Maja ng:  “I’m very grateful po, marami tayong offer.”

Nang usisiin pa siya ng Pep.ph ay sinabi ni Maja na: “I’m very grateful nga, marami! Kahit PTV-4, RPN-9! Charot!”

“So, nakakatuwa lang na parang yung pagda-doubt mo sa sarili mo na baka walang kumuha o nakakatakot dahil baka walang mabigay na project, ang daming ganun noong kasagsagan ng pandemya last year. Nagugulat ako na marami pong offers kaya super thankful.”

Dalawang programa ang gagawin ni Maja sa TV5 at Cignal, ito ay ang teleseryeng Niña Niño at isang reality-talent search na parehong ipapalabas ngayong Abril.

Source: Pep.ph


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post