Matapos ang 18 na taon, ay tuluyan na ngang nilisan ni Maja Salvador ang Star Magic.

Opisyal na niyang inanunsyo sa kanyang Instragram account, na simula ngayon ang Crown Artist Management na ang mamahala sa kanyang career.

Ang nasabing talent Agency ay itinayo ni Maja kasama ang kanyang boyfriend na si Rambo Nunez.

Labis naman na nagpapasalamat si Maja sa Star Magic family.

Basahin dito ang kanyang buong pahayag:

"Ako po ay sobrang excited sa bagong yugto ng aking career at makita kung saan ako nito dadalhin. Sa aking pagpapatuloy dito sa industriya, I think the best move for me now is to manage myself. At para magawa ko po ito successfully, I put up Crown Artist Management Inc., @crownartistmgmt kasama ang mga tao na malapit sa puso ko.

I'm forever grateful for all the love I've been given by my Star Magic family, and the opportunities I've been blessed with working with very talented people in the industry. Kung sino ako ngayon, I owe to them and ABS-CBN dahil sa kanilang pag gabay at pagtiwala sa aking kakayanan.

Sa malaking hakbang na ito with my own management company sana tuloy tuloy niyo pa din po akong suportahan in this new journey of mine trying to make other people's dreams come true as well, tulad na lang ng pagtupad niyo ng sarili kong pangarap.

Maraming salamat po."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post