Kamakailan lang ay naging hot topic si Maja Salvador sa social media dahil sa mga artikulo na lumalabas sa social media na diumanoy hinihikayat raw nito ang kaibigang si Kim Chiu na lumipat sa ibang istasyon.

Sinundan pa ito ng blind item ni Ogie Diaz na isa umanong nagngangalang "M" at "B"  ang hindi na makakabalik sa ABSCBN dahil sa panghihikayat umano ng ilang kapamilya star na lumipat sa ibang istasyon.

Nito lamang lunes March 15 ay binasag na ni Maja ang kanyang matagal na pananahimik ukol sa isyu.

Naka-usap siya ng PEP.PH at sinagot niya ang mga akusasyong ito.

“Nakakatawa lang. So, ang sagot ko, no. Hindi po. Hindi talaga. Hindi talaga,” sagot ni Maja sa mga akusasyon 

“Tinawanan ko na nga lang iyon, e. Sabi ko, ‘May bago na naman sila,’: sambat pa ng actress

Hinanda narin daw ni Maja ang kanyang sarili laban sa mga bashers.

"Maba-bash na naman ako. Laman na naman ako [ng mga balita]. Dami na naman nilang sasabihin. Mas alam na naman nila, for sure.

“Hinanda ko yung sarili ko kaya kahit anong mabasa ko, okay lang. Okay lang talaga,” mahinahong paliwanag ng singer-dancer.

Ayon pa kay Maja, maayos raw ang kanyang pagpapa-alam sa mga big-bosses ng ABS-CBN.

Ipinaliwanag rin ni Maja ang tungkol sa offer sa kanya ng ABSCBN na isang teleserye na hindi niya tinanggap dahil matagal na umano siyang nakapag-oo sa tatay-tatayan niyang si  MR. M.(Johny Manahan).

Kung sakali raw na tinanggap niya ang offer ng ABSCBN kapalit naman nito ang hindi niya paglabas sa SNL ng TV5 na siyang ipinangako niya kay MR. M.

Dagdag pa niya, handa umano siyang magbalik sa Kapamilya Network pagkatapos ng kanyang kontrata.

“Ayoko mag-burn ng bridges. Ayoko magkaroon ng bad blood sa kahit na ano. Eighteen years. Grateful ako sa ABS-CBN. Kung anong laban, laban din ako. Kapamilya ako. Laban ako, di ba?” 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post