Kamakailan lang ay nagtrending ang rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin matapos itong maispatang magkasama sa Boracay.

Dahil dito, nagbigay rin ng kanyang prankang opinyon ang Entertainment Columnist na si Lolit Solis sa nasabing balita.

Sabi ni Lolit: 

“Happy naman ako Salve sa balita na magkasama daw nakita sa Boracay sila Coco Martin at Julia Montes. Siguro nga ito na ang sign na baka lumantad na sila dahil kung talaga naman may relasyon sila bakit kailangan itago. Ang ganda nilang tignan together, both are free , kaya nga kataka takang kung may relasyon nga bakit kailangan deny pa. Pinaka masarap sa lahat iyon ipinapakita mong mahal ang isang tao, iyon nakikita ang sweetness nyo, iyon open kayo. Ang love nakakaganda sa paligid, mas makitang masaya kayo, mas marami ang natutuwa. Makitang maligaya kayo, nahahawa sila sa ligaya nyo." 

Kung anuman ang relasyon nila Coco at Julia palagay ko tatanggapin ng buong luwag ng mga fans nila. Mas marami siguro ang matutuwa para sa kanilang dalawa. Sana nga ay ito na ang hinihintay ng marami na confirmation mula sa kanila. About time na meron ng matawag na sweetheart si Coco Martin, at si Julia Montes ay isang karapat dapat na babae na mahalin at ipagmalaki ng sinuman lalaki. Happy for both, love is on the air. Bongga !!!” 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post