Walang anumang kibo ang actress na si Janella Salvador tungkol sa kanyang pagbubuntis noon kahit marami nang spekulasyon na nagdadalantao ang actress.

Sa isang interview, inilahad ni Janella kung bakit niya tinatago ang kanyang pagbubuntis sa publiko.

Ayon kay Janella takot raw siya mabash ng mga netizens.

"Of course, it’s not easy, especially at my age because there was a lot of criticisms, harsh criticisms."

Sabi pa ni Janella, ayaw raw niyang mastress at gawing na lamang pribado ang kanyang pagbubuntis.

“I didn’t want the stress. I needed the peace and quiet to have a happy pregnancy. We wanted to enjoy it as a family. Keep it private muna." 

Ayon pa sa actress, ipinaalam raw niya ito sa kanyang ina noong 4months na siyang buntis.

"When I told her, ‘Mama, I need to tell you something,’ ganyan. And then she was, ‘What? You’re pregnant?' It was so scary." 

Inamin rin nitong naiinis siya nang ipinakalat ng isang intern sa ospital na kanyang pinuntahan ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

"When I went to the hospital, one of the interns spread the news. I was so pissed honestly cause these are things that you want to tell your family members personally." 

Matatandaan na isinapubliko ng actress ang kanyang anak sa kanyang vlog noong January 5.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post