Nito lamang nakaraang araw ay nabigayan ng pagkakataon si Toni Gonzaga na makausap ang sikat na actress-youtuber na si Ivana Alawi sa kanyang online show na Toni Talks.

Isa sa napag-usapan nila ay ang tungkol sa magpapaturn-on na lalaki kay Ivana.

Sabi ni Ivana ayaw raw niya ng lalaking mayabang. 

Dito na ikinuwento ni Ivana ang tungkol sa kanyang worst date.

Aniya, pinagsisigawan umano ng kanyang ka-date ang waiter sa restaurant kung saan sila pumanta at naiyak umano ang nasabing waiter.

Kaya nagwalk-out ang actress at humihingi ng tawad sa nasabing waiter.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post