Sa isang one-on-one interview ni Tito Boy Abunda kay Gerald Anderson ay itinanggi nitong gino-ghost niya ang kanyang Ex-girlfriend na si Bea Alonzo sa controversial nilang hiwalayan noong 2019.

Sabi ni Gerald kay Tito Boy:

"Wala po akong ghinost. Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa 'kin is parang nasa gitna kami ng dinner and then nag-decide ako na mag-walkout and 'di magpapakita kahit kailan. 'Yun ba ang definition or is it walking away from a very unhealthy, toxic -- not saying na siya 'yung toxic, ako 'yung toxic -- but being together we were very toxic, and hindi nirerespeto 'yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months and months of being on the rocks at medyo away? I mean 'yun lang, I'm just gonna leave it at that."

At nang tanungin naman ito kung may pormal ba silang hiwalayan.

"I can remember that moment...I just don't have the guts to put someone in a bad light because gusto ko linisin ang image ko or 'yung side ko. Nasaktan [ako]. [Pero] wala na po kong magagawa, Tito Boy. Hindi rin ako 'yung tipo ng tao na kahit ang daming nagsasabi na 'di magsalita ka,' I couldn't look at myself in a mirror kapag nagkwento pa ko about my relationship, kung paano kami naghiwalay o 'di naghiwalay,":Sagot ni Gerald kay Tito Boy

Sinabi rin ni Gerald na pinili niyang maging tahimik sa isyu nila noon ni Bea.

"I will never throw someone under the bus para lang linisin 'yung [pangalan ko]...lalo na 'yung tao na I have intimate moments with, I had happy moments with. Lalo na itong last, ang pangit. Ang lala,": Sabi ng actor

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post