Maraming netizens ang natutuwa sa latest IG post ng asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heusaff.

Makikita sa kanyang larawan na yakap ni Erwan ang kanyang anak na si Baby Dahlia at ang anak nina Nico Bolzico at Solenn Heusaff na si Baby Thaylane.

 "There's a new El Padre in town. Sorry @nicobolzico.":Pang-aasar ni Erwan kay Nico 

Matatandaan na lumipad papuntang Boracay sina Anne, Erwan, Solenn kasama ang kanilang baby peru hindi nakasama si Nico dahil umuwi ito sa Argentina para bisitahin ang kanyang pamilya.

Matapos itong makita ni Nico ay nagbigay rin ito ng nakakatuwang reaksyon.

"I am so happy #Tilibolz has a male figure like you while I am out... but when #ElPadre returns, I am taking Dahlia and Tili with me!"sabi ni Nico 

Marami ring celebrities ang natuwa sa nasabing larawan nina Erwan kasama anf dalawang bata.

Screenshot from Erwan Heussaff's Instagram (@erwan)


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post