Lilipad na ngayong araw March 15, papuntang Romania ang award winning actor na si Soliman Cruz matapos itong mapili na gaganap bilang bida sa isang Romanian Film na "To The North".

Personal na pinili si Soliman ng direktor na si Mihai Mincan para maging bida sa nasabing pelikuka na tungkol sa Romanian stowaway sa isang transatlantic ship.

Ang nasabing pelikula ay magkakaroon ng 29 days shooting na kung saan kukunan ang mga eksena sa Greece at Romania.

Ang magiging role dito ni Soliman ay isang religious Filipino sailor at ang German-Romanian actor na si Niko Becker ang young stowaway. 

Masaya itong ibinalita ni Ferdy Lapuz, talent manager ni Soliman sa kanyang facebook account ang nasabing magandang balita.

Halos tatlong buwan na mawawala si Soliman dahil aalis ito sa Pilipinas sa March 15 at babalik siya sa bansa sa unang linggo ng June 2021.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post