Naiyak na lamang ang asawa ni April Boy Regine na si Madelyn nang malaman niyang nagbigay ng malaking halaga si Sharon Cuneta para sa burial ng kanyang asawa.

"Hindi namin ineexpect na magbibigay si Mam Sharon Cuneta ng Malaking Halaga para sa burial ng aking asawa. Naiyak talaga ako ng tumawag si Nanay Cristy Fermin ng sabihin magbibigay ng tulong si Sharon at sinabi pa na Mahal ni Sharon si April at naiyak dahil sa pagkawala ni idol.":sabi Madelyn sa kanyang post

Kaya naman ay labis ang pasasalamat ni Madelyn sa Megastar.

"Maraming Salamat po sayo Mam Sharon Cuneta sa tulong ng Diyos ay natupad ang mga pangarap sa buhay ni April boy dahil sa kantang "SANA'Y LAGING MAGKAPILING" na ikaw ang naging Inspirasyon sa paggawa ng kauna-unahang komposisyon niya. Sharonian talaga kaming mag asawa, lahat ng pelikula mo ay pinanood namin nun magbf pa kmi ni idol pati concert kahit mahal ang tiket ay nasa unahan kami masayang pinapanood ka.":sabi pa ni Madelyn.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post