Inalala ng kapamilya actress na si Sofia Andres kung paano niya nakilala ang kanyang partner na si Daniel Miranda sa isang Bar.

Sa vlog ng kapamilya star na si Erich Gonzalez ay na-heart to heart talk niya dito si Sofia.

Dito na ikinuwento ni Sofia kung paano niya nakilala si Daniel.

“Party girl kasi ako nu’ng time na ‘yun. And then na-meet ko siya sa The Fort. Hindi ko talaga ini-expect kasi I wasn’t really looking for anything like love life or whatever,

“So na-meet ko siya. May kumalabit sa akin. Cousin niya pala. Sabi, ‘My cousin finds you pretty’. Sabi ko, ‘Ah okay’. Eh medyo tipsy na ako. So nagpa-picture siya. Hindi niya alam artista ako. Siyempre he doesn’t really watch mga shows here in the Philippines,

“Tapos hinintay niya talaga ako hanggang 3 AM umuwi. Tapos in-oofferan niya ako ng water in the bar. Hindi alcohol. Tapos the next day, not for anything, kinukuha nila ang number ko. What I did, fini-fake ko talaga. Sa kanya ko lang binigay ang number ko. That’s how it started,

“Nacute-an ako sa kanya. First girlfriend din kasi ako so mafi-feel mo na hindi talaga siya marunong mag-move.

“Although ‘yung sa mga ganu’ng puma-party, I’m done na with all that. Siya ‘yung adventurous. Ako I can just stay home all day ganyan. So ako parang oy nagsstay pala ako ganun. So, I’m really happy every time we’re out of town. So ‘yung mga ganun na-aappreciate ko na parang du’n niya ako ini-introduce sa ganu’ng side. Hindi du’n sa past side ko na party girl.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post