Sa story conference ng upcoming movie ni Megastar Sharon Cuneta under Viva Films na "Revirginized" nito lamang February 28 ay napag-usapan ang tungkol sa mga artista at mga social media influencer na nagpapabayad para magpakalat ng fakenews sa social media. 

"Oh my God, ikinahihiya ko sila!":Sabi ng Megastar

"Kasi kunyari pag artista ka, nung kalakasan ko noong araw, may tatakbo kunyari na presidente, o-offer-an ka nang milyun-milyon para sila endorsohin mo.

"Never ako nagpabayad. Lagi akong... I rather go with this one kahit matalo kasi yung prinsipyo or whatever my beliefs were pumapantay.

"Parang sa endorsements, this is a well-known fact in the advertising industry. You can talk to anybody in any advertising company…

"Sa dami ng endorsement offers na tinanggihan ko over the decades, dahil ang feeling ko, babayaran nga ako pero yung produkto, parang palpak ‘to or yung serbisyong ‘to, hindi ko malunok."

"Kung pinatulan ko lahat ng endorsements na ‘yon, siguro doble na yung naipon ko sa ipon ko ngayon.

Sabi pa ni Sharon: "It’s the same thing with me, ang feeling ko, kung sa fake news…

"Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it?

"Kasi di hamak na mas rerespetuhin ko ang isang totoong tao na tapat sa ginagawa kesa dun sa pasimple kang nagpapabayad para mag-spread ka ng peke."

"Ginagamit mo yung impluwensiya mo sa maling paraan para kumita."

Hindi rin daw katanggap-katanggap para sa Megastar ang mga ito: 

"It’s despicable to me. It’s unacceptable to me.

"Ikinahihiya ko na sabihing kasama ko sila sa industriya."

Source: Philippine Entertainment Portal

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post