Ipinakita ni Sharon Cuneta ang kanyang love and support sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan matapos umani ng maraming dislikes ang dating youtube performance nito.

Nito lamang January 26, nagtweet si Frankie ukol sa kanyang Wish 107.5 performance na mga paid trolls umano ang may kagagawan ng maraming dislikes.

Ang nasabing video na inupload noong August 2019 ay umabot ng 800,000 views, 13,000 likes and 130,000 dislikes, as of writing. 

Samantala nito lamang nakaraang araw, ipinakita ni Sharon ang suporta niya sa kanyang anak.

“Love and light, our dearest, most precious, beautiful and talented daughter, KAKIE! Your music is awesome!!!❤️❤️❤️ We and millions of people out there love you so much!” sabi ni Sharon
Sa hiwalay namang post, ibinahagi ni Sharon ang larawan ni Frankie na kumanta sa wish at ang larawan nilang dalawa kalakip ang message na:"Stay strong Kakie!"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post