Ibinunyag ng komedyanteng si Pokwang na tinulungan siya ni Kris Aquino sa panahong nawalan siya ng trabaho matapos magsara ang ABSCBN.

Nito lamang January 14, ay binati ni Pokwang si Kris Aquino na nagcelebrate ng birthday.

“Happy birthday ganda ❤️ @krisaquino mahal kita alam mo yan….. walang maraming tsu tsu at palabok yun na…… stay happy and blessed kasi hindi ka maramot na tao grabe… God bless you and ingat lagi 🎉” 

Sa comment section, may nagcomment sa kanyang post at tinanong siya ng:" Mahal mo siya @itspokwang28 because?"

Agad itong sinagot ni Pokwang at ibinunyag nitong malaki rin ang naitulong ni Kris sa kanya.

"Sa panahon na nawalan ako ng work dahil pinasara ang ABS-CBN siya @krisaquino at si @jgl71 at @aptentertainment.ph ang umalalay sakin,"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post