Excited na raw si Entertainment News Writer Lolit Solis ukol sa lumabas na balitang aamin na si Coco Martin hinggil sa diuma:nonenoy relasyon nila ni Julia Montes sa darating na araw ng mga puso, February 14.

"Excited naman ang lahat sa mga lumabas na balita na may pasabog sa Valentine si Coco Martin, Salve. Ang sabi sa araw ng mga puso daw iri reveal o aamin na si Coco sa relasyon nila ni Julia Montes."Sabi ni Lolit sa kanyang post 

Good news raw kung totoo ang balitang ito, wala naman daw dapat katakutan si Coco at mas lalong walang sabit dahil binata ito.

 "Kung tutoo ito good news dahil hindi naman siguro habang panahon ' GF sa dilim ' si Julia like ng sinasabi ng lahat. Saka nakapagtataka naman na dapat bang itago ito eh hindi naman produkto ng loveteam si Coco, binata , walang sabit, ano ang dapat katakutan ? " 

Naniniwala rin si Lolit na hindi maapektuhan ang career ni Coco dahil dito.

"Hindi ako maniniwala na maapektuhan ang career ni Coco Martin kung mag aasawa siya o magka anak. Siya ang tipo ng leading man na hindi sagabal ang private life sa career dahil hindi naman siya iyon tipo na meron kapareha na apektado ng private na buhay niya. Si Coco ay pinanunuod dahil sa acting niya, sa istorya ng ginagawa niya, at sa laki niya ngayon bilang star, kahit ano pa siguro ay hindi na magiging hadlang pa sa popularity niya. " 

"Now, if si Julia Montes ang lucky girl, commendable ang pagiging tahimik niya at pagpayag na itago siya. Siguro naman dahil sa ipinakita niyang suporta at pagmamahal , nararapat lang na heto, ideklara siyang 'the winner is ' Julia Montes. Kung sakali tutoo ang balita, a big hand of applause and congratulations to Coco and Julia. They look good together, be happy, face the world, declare your love. Exciting. "Sabi pa ni Lolit sa kanyang post 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post