Hinangaan ni Entertainment News Writer Lolit Solis ang pagpayat ngayon ni Mega Star Sharon Cuneta.

Aniya, s3xy na raw si Sharon at ganado na na humarap sa camera.

"Katuwa naman Salve iyon balita na nagti taping na si Sharon Cuneta. Dinig ko maganda iyon dalawang project na ibinigay sa kanya ng Viva kaya hindi siya nakatanggi. At timing naman talaga na heto, s3xy na si Sharon at ganadong humarap sa kamera" 

"Tiyak na inspired siya dahil alam niya na ang dami humanga sa determination niya na pumayat, at nagawa naman niya without sacrificing her health. Talagang may sinundan siyang steps at strict diet para ma attain ang magandang resulta: Sabi ni Lolit sa kanyang post.

Mas magiging madali rin daw kay KC na magpapayat gaya ng kanyang ina dahil mas athletic raw ito.

"Kaya hindi kataka taka na magiging madali din para kay KC Concepcion na magpapayat dahil mas athletic at physical ito , madali para sa kanya ang mag bawas kung gugustuhin niya. Iyon discipline mahirap gawin pag wala kang goal at motivation , pero once na nanduon na iyon focus mo, sandali lang iyan. Lagi lang alalahanin kung gaano kalaki si Sharon nuon at gaano kalaki nanawas sa timbang niya ngayon, meron ka na agad gagayahin. " 

Malapit narin daw ang project na teleserye ni Sharon.

"Go Sharon Cuneta, harapin naman ang work ngayon s3xy ka na uli, marami din nasabik na mapanuod ka sa teleserye at movies. Abangan na ang mga bago niyang projects, malapit na."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post