Sa kanyang latest Instragram post, ay ibinunyag ni Lolit Solis ang di umanoy kumalat na balitang pinilit ni Maja Salvador si Kim Chiu na lumipat sa ibang istasyon.

Sabi ni Lolit: 

"Ang pangit naman ng lumabas na balita Salve na pinipilit pa pala ni Maja Salvador nuon si Kim Chiu para lumipat kasabay niya. Grabe iyon ha, kaya naman pala medyo nagtampo ang mga taga ABS-CBN kay Maja dahil pati iba niyang kasama gusto pa niyang isali sa paglipat."

" Siguro nga ay parang na knock down ang feeling ni Maja Salvador ng matapos agad ang sinalihan niyang show, just like the realization ng Brightlight na hindi pa kaya ng ibang stars ang bumangga sa mga established ng shows ng GMA7 at Chanel 2."

" Eye opener ang nangyari kay Maja Salvador in the sense na kung minsan kahit pa nga mas mataas ang TF hindi assurance iyon na kakayanin mo ang responsibilidad, na hindi ibig sabihin na popular ka, madadala mo ang programa. "

"Ang dami artista na tinitilian, pero flop pagdating sa sinehan, ang dami stars na top sa social media pero hindi nagri rate pagdating sa TV. Dapat lagi mong isipin na hindi porke heto, kilala ako ng lahat, top of the line performance ko, pero sana naman , mag rate at kumita itong ginagawa ko."

"Team effort ang lahat, hindi solo performance lang, kaya hayan, pag semplang , nganga ka. Loser kang bigla, instead na winner. Life lesson number one, dapat nasa tamang level ang mga paa para hindi madapa. Kung hindi, ikaw lang masasaktan."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post