Di mapigilang magreact ng Its Showtime host/Chinita Princess na si Kim Chiu matapos mapansin ng ilang netizen na may tag pa ang kanyang suot na blazer sa kanyang dance number sa ASAP.

Sa kanyang instagram, ibinahagi ng actress ang kanyang larawan suot ang nasabing outfit at ang video ng kanyang performance at kinaption niya ang lyrics ng kanta ni Inigo Pascual na "“Lumang Tugtugin”.

Tila may napansin ang ilang netizens sa suot ni Kim at agad nagcomment ng: “May tag pa ung blazer mo @chinitaprincess 😂😂😂”

 Na agad sumagot si Kim ng: “kaya binalik ko suotin jacket! Nafeel ko eh!!🤣🤣”

Ilang netizens rin ang nakapansin sa nasabing tag sa outfit ni Kim:

"Yung narealize mo na may tag pa yung blazer mo oops balik balik HAHAHAHAHAHAHAH @chinitaprincess"

"omg dapat wash muna yan bago isuot, kasi dusty🤣🤣🤣"

"ok lang na may tag. meaning, bago and afford…🙌 the best ka parin 😍"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post