Kinumpirma na nina Angel Locsin sa kanilang interview sa "Sakto" teleradyo program na tuloy na tuloy na ang kanilang kasal ni Neil Arce ngayong 2021.

Ibinunyag ng kapamilya star na labis na naapektuhan ang kanilang  wedding plans na mangyayari sana noong November 8 last year.

Inilahad rin ni Angel na ifofollow nila ang health protocols sa kanilang kasal.

Nagbigay rin ng kanyang mensahe si Neil sa nasabing interview.

"Nag-usap din kami ano ba ang gusto nating wedding? 

“Since we've been friends for a long time, gusto lang talaga namin ay masaya lang ang lahat ng tao, hindi 'yung ilang na ilang kang gumalaw. 

“Sabi ko 'di siya nag-prom, 'di siya nag-debut, 'yung mga ganoong bagay. Sana lang ay makuha niya ang wedding na gusto niya," sabi ni Neil 

Ibinunyag rin  ni Angel na nagpag-usap na nila ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.

"Basta kung ano ang ibigay ni Lord. Ayaw naming ma-pressure. Sana one or two lang kasi mahirap ang buhay, mahirap mag-alaga," Sabi ni Angel

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post