Sa kanilang latest vlog ay sumabak sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Jojowain o Totropahin challenge.

Sa kalagitnaan ng kanilang challenge, lumitaw ang "Ex" ni Luis Manzano.

"So ano nga, jojowain o totropahin?" tanong Jessy 

"Eh naging jowa nga. Eh 'di siyempre 'yun na rin 'yun, Paano ko totropahin 'yun kung naging jowa ko nga. Hindi nga maganda 'yung breakup." Sagot ni Luis

"Eh akala ko ba ex mo [na]? Eh bakit mo pa jojowain ulit?" at tinanong ni Jessy ng: "May nakita akong picture niya sa phone mo dati 'di ba, nung nagsisimula pa lang 'yung relationship natin." 

"Hindi ko nabura, nakapatong siya doon sa maraming mga pics. So pagka-scroll scroll ko, nakita ko lang," "Eh 'di sorry. 'Di ba ganun lang naman 'yun. Kakasal na tayo, 'wag na nga 'yung mga ganyan. Okay? Peace." Sagot ni Luis

"Ayoko na," sabi Jessy at biglaan itong nagwalk-out 

Peru ang tinutukoy pala na Ex ni Luis ay ang American Actress na si Jennifer Lawrence na matagal ng crush ni Luis.

"Ang kapal ng mukha nito! Jennifer Lawrence. Hindi, pero seryoso, si Jennifer Lawrence, crush talaga niya. May time talaga na pinagselosan ko si Jennifer Lawrence, kasi nung nakita ko sa phone niya (Luis) puro pictures niya talaga. So every time we watch her movies, or nakikita namin siya sa TV, ginaganon ko siya (taps Luis on the shoulder), 'Uy crush mo, oh.' Pangarap lang niya na naging jowa niya si Jennifer Lawrence, pero asa ka, boy?" sabi ni Jessy 

Narito ang video:



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post