Nagsalita narin sa wakas ang ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla ukol sa tsismis na may relasyon diumano sina Julia at Gerald Anderson.

Sabi niya sa interview sa kanya sa DZRH:

“Gerald kung mahal mo naman ‘yung daughter ko eh alagaan mo lang siya. ‘Wag mo lang sasaktan at ‘wag mo lang lolokohin para mas masaya ang buhay!” 

Kahit na hindi niya alam kung totoo ang nasabing tsismis ay sinuportahan parin niya ang kanyang anak.

“Kung saan masaya ang anak ko eh duon ako.” 

“And pinaka importante she’s a very responsible woman. Meron naman siyang sariling hanapbuhay, she’s an adult, she’s already 23. So I’m sure alam naman niya kung ano ‘yung tama at mali,” 

Basta ako, susuporta lang ako. I’m just a text away kung ano man ang problema.”

At kung nagsasabi ba si Julia sa tungkol sa kanyang lovelife?

"Kapag hindi siya nagkukuwento, hindi naman ako nagtatanong. Kasi, siguro she wants to be private. Kung mag-o-open up siya, makikinig lang ako. Pero kung hindi man siya mag-open up, mag-a-antay lang ako kung kailan siya magsasabi sa akin,” 

“Siyempre, kailangan naman nating respetuhin din ‘yung karapatan ng ating mga anak. Dahil personal naman nila iyun. So I’m just here. I’m just a text away. ‘Pag dating sa mga anak ko mahal na mahal ko sila, alam naman nila ‘yan.”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post