Nagtungo sa kanyang twitter account ang komedyanteng si Ate Gay para tawagin ang pansin ng GMA Network dahil hindi pa umano siya nabayaran sa kanyang dalawang guesting.

“Aos gma7 dalwang guesting ko di pa po ako nababayaran .. yung sa jessica soho isang guesting wala pa din po.. yung sa youLol wala pa din po last year pa yun.. plzzzzz,” ani nito. :sabi niya sa kanyang tweet.

Ang tinutukoy niyang Aos ay ang All Out Sunday at ang isa naman ay Jessica Soho.

Makalipas ang higit isang oras ay muling nagtweet ang komedyante at sinabi nitong nabayaran na siya ng Jessica Soho peru may kulang pa, hindi pa raw nagbayad ang AOS.

 “Ayy oh .. salamat sa inyo .. nabayaran na ako agad-agad gcash ng Jessica soho……. AOS nlang at Youlol,” sabi niya sa kanyang tweet


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post