Matapos ang 14 years na pananarbaho sa ABSCBN ay nakatakda ng mapanood ang beteranong actor na si Albert Martinez para sa upcoming afternoon tv series ng GMA7 na Las Hermanas.

Umattend sa isang Zoom meeting ang beteranong actor kasama ang creative and production staff ng nasabing upcoming series nito lamang February 23.

Nagbahagi ng larawan si Camille Hermoso-Hafezan, senior program manager sa nasabing tv series sa kanyang Instagram larawan  sa kanilang zoom meeting.

Photo Credits: CAMILLE HERMOSO-HAFEZAN

Sa ngayon ay wala pang ibang detalye tungkol sa upcoming series.

Huling napanood si Albert sa ABSCBN sa successful na TV Series na Kadenang Ginto.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post