Isang special birthday greetings ang natanggap ni Willie Revillame sa kanyang ika-60th birthday mula sa kapamilya actor na si Coco Martin.

Binati ni Coco si Willie sa kanyang programa at nagwish ito na maging healthy at maging happy.

Matapos nito at pinuri ni Willie si Coco.

Sabi ni Willie: “Si Coco Martin, hindi man kami close, pero there was a time nasa Tagaytay ako, pumunta ho yan kasama si John Estrada." 

“He went there para sabihan ako, ‘Kuya Wil, idol ko po kayo.’

“A humble guy, Coco Martin. Isipin mo, hindi pa siya ‘Ang Probinsyano’ noon pero there was a time gusto lang niya ako ma-meet. 

“Hindi ko makakalimutan yun Coco, nagpakumbaba ka sa akin. Gusto mo lang ako makilala at gusto mong makita yung bahay ko sa Tagaytay at gagayahin mo yung mga furniture at diba tinanong mo sa akin kung sino ang nag-garden niyan, nag-landscape?” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post