Ipinakita ng komedyanteng si Vice Ganda kung paano siya nagcelebrate ng pasko sa kanyang magarang tahanan.

Kasama niyang nagcelebrate ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Sa video, niregalohan niya ang kanyang mga mahal sa buhay at nagkatanggap rin siya ng regalo mula sa kanyang ina at kapatid.

Di rin mapigilang maging emosyonal ni Vice: “naiiyak ako. Alam mo sa ilang paskong pinag daanan namen ngayon lang nila ako niregaluhan. Naiiyak ako talaga.”

Sabi pa ni Vice sa video:

dahil sa pandemya mabibilang lang sa daliri ko ang pagkakataong nakapiling ko ang nuong pamilya ko ngayong taon. Lalung-lalo na ang nanay ko. Minabuti kong tiisin na hindi muna kame magkita upang mapangalagaan ang nanay ko na senior citizen dahil exposed ako sa maraming tao dahil sa tabaho ko.”

“Ang mga pangyayari nung 2020 ang nagparealize saakin na walang kasiguraduhan ang lahat. Di ko alam kung ano ang mangyayare bukas. Di ko alam kung hanggang saan at hanggang kailan aabutin ang mga hinaharap nating krisis.”

“Kaya sabe ko sa sarili ko. Hanggat may pagkakataon ibibigay at ipapadama ko sa mga taong mahal ko lalung-lalo na sa nanay ko ang anumang maaaring magpasaya sa kanila. Di na ako magpapatumpik-tumpik pa. Di na ako manghihinayang. Di ako mag aalin-langan. Dahil walang kasiguraduhan ang panahon. Baka di ko na magawa bukas. Kaya sisimulan ko ng gawin ngayon. At sa araw-araw hanggang may bukas.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post