"Magk@matayan na hindi ko to iiwanan ang ABS-CBN ngayon."

Ito ang bahagi sa sinabi ni Vice Ganda sa kanilang madamdaming pag-uusap sa isang contestant sa Tawag ng Tanghalan.

Sabi ni Vice:

“Ang ayoko maging plot twist yung sasabihing.. last day na ng Showtime,” ani niya. “Teka lang muna, for me no di ko talaga keri, hindi ko kekerehin hindi ko alam kung paano ko yun i di deal.”

“Kasi nangyari na to sa amin dati ‘eh, ako talaga hinanda ko na yung sarili ko na feeling ko talaga tatanggalin kami, nung panahon ng Aldub prangkahan na nung panahon ng aldub feeling ko wala ng nanunood ng showtime, parang buong pilipinas nakatutok sa aldub.”

“Tapos parang ang laking kasalanan pag fan ka ng showtime, ang laking kasalanan pag nanunuod ka ng showtime, parang nag a away away yung mga tao sa social media na parang hindi ka dapat nanunuod ng showtime, dapat lahat tayo nakatutok lang sa aldub.”

“Tapos ang baba baba na ng ratings ng showtime, tapos ako laban na laban pa din ako, pero dumating ako sa punto na habang lumalaban ako tinanggap ko na feeling ko anytime soon tatawagan ako ng management ‘tas sasabihin we are cancelling the show.”

Matatandaan na noong 2015, sa kasagsagan ng isang kalye serye ng ALDUB sa Eat Bulaga ay mababa ang ratings ng Its Showtime.

Sabi ni Vice:

“Tanggap ko yun, tapos hindi nangyari hindi ginawa ng ABS-CBN, hindi ako nilaglag hindi nilaglag yung show kaya sabi ko talaga yun ang pinanghahawakan ko eh, magkamatayan na hindi ko iiwanan tong ABS-CBN ngayon kasi nung nangyari to sa buhay ko noon hindi ako iniwanan ng ABS eh.”

“Lahat kami, lahat kaming hosts, lahat kaming show, isama na natin yung direktor namin… Di yan iniwan ng ABS nung mukha na kaming kawawa at halos patay na kami. Kaya ngayon na nangyayari ‘to sa ABS, hindi rin kita iiwanan katulad ng hindi mo pang iiwan mo sa akin noon”

“Yon kaya teka lang muna, huwag,” pagtatapos ni Vice.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post