Full support ang komedyanteng si Vice Ganda sa magiging pelikula ng kanyang Boyfriend na si Ion Perez kung saan makakatambal nito si Sunshine Guimary.

Sa story conference ng kanilang pelikulang"Kaka" ay tinanong si Ion kung ano ang kanyang nararamdaman na gaganap siya ng isang lead role.

"Parang nakaka-pressure po para sa akin yung karakter ko dito.

"Unang-una, ito po‘yung unang pelikula na ako po yung leading man kaya mas doble po yung pressure na nararamdaman ko."

Tinanong rin si Ion kung nagbigay ba ng tips si Vice .

"Ang sinabi lang niya sa akin, ‘Kaya mo ‘yan, may tiwala ako sa 'yo. Tataya ako sa 'yo.'

"So, talagang aaralin ko siya, aaralin ko si Levi," 

Nagulat nga po ako, kasi alam niyo na mahiyain ako. 'Ikaw, kaya mo?' 

"E, hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng ganitong pagkakataon o opportunity.

"Sabi ko, sige, try ko, subukan ko para yung abs ko lumitaw naman.

"Humihingi naman po ako ng tips sa kanya kasi alam naman po natin na si Meme, pagdating sa ganyan, professional naman po siya.

"Sinuportahan naman po ako."

At sa tanong naman tungkol sa kanyang carrer.

“Maging masaya na lang palagi, masaya na kasama si Meme. Pero sa karera naman, kung anong meron, why not?"


Source: Philippine News Portal

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post