Bibida sa isang pelikula si Sunshine Guimary sa pelikulang "KAKA" at magiging leading man niya rito sina Jerald Napoles at ang boyfriend ni Vice Ganda na si Ion Perez.

Tensyonado ang actress dahil magkakaroon raw bed scene ang pelikulang ito.

Yes, may bed scenes. Daring ang movie na 'to, yun ang dapat ko talagang paghandaan, kasi medyo sensitive at pang-adult yung movie.

"Willing akong mag-adjust kay Ion. Meme, pahiram ha? Pahiram!” : Sabi pa ni Sunshine 

At sa tanong naman kung may chance ba na mainlove siya ni Ion:

"Posible, oo, kasi ang personality ni Ion, parang malambing siya, 'tapos physically, sino naman ang hindi mai-in love kay Ion?

"Physically, nandoon na sa kanya.

"And sa attitude, hindi ko pa siya ganoon kabisado, pero sa napapanood ko sa It’s Showtime, sweet si Ion, which is isa ‘yon sa weakness ng babae.

"Yung sweet, importante yun," prangkang pahayag ni Sunshine habang poker faced na nakikinig si Ion sa mga sinasabi niya.

Source: Philippine Entertainment Portal

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post